MARCH 2003

1. Lumuwas ako, dinala ko ang 2 lumang playstation sa gus2ng bumili nito, nagtxt si Emer, pupunta daw siya sa base pero nakasakay na ako ng bus, pagkadala ko sa bibili ng playstation ay tumuloy ako sa gilmore at bumili ng casing ng computer.

2. Pumunta si Emer sa base, sabi ko ngtxt sa akin si Ricardo, sabi ay tumawag kami sa kanila, kayat paguwi namin ay dumaan muna kami sa amin at tumawag sa kanila, pero wala si Ricardo.

3. Dumating si TJ, nagsasanla ng cellphone pero walang masanlaan. Kayat nagyaya ito kila Emer, isnasanla sa nanay ni Emer, pero d pala pwedeng lagyan ng sim, pagkahatid ko kay emer ay umuwi muna ako sa base. Maya maya ay nagtxt na si Emer, pinadala ung sim ng mom niya na naiwan sa akin, sumama na siya sa base, dumaan muna kami sa amin at tumawag kay ricardo, sinabi ni Ricardo na pupunta daw siya rito bukas para kunin ung readdmission niya sa up. Pagkatawag ay nagpunta na kami sa base. Mag-aalas 7 na ng umuwi si Emer sa kanila.

4. Nagpunta ulit si Emer, tinanong kung naririto na si Ricardo, sabi ko ay hindi pa ito napunta. MNag-laro si Emer ng PS, at nang umuwi ito ay nagbiling txt na lang daw siya pag naririto na si Ricardo, Nang txt sa akin ung bibili ng Computer kayat inayos ko na ang computer, dadalhin ko na sa warzone dahil doon kukunin ang computer na iyon,biglang dumating si Ricardo, naikwento ko na kukunin na ang compuer at bibilhi na ako ng bago… Sumama na rin ito sa pagdadala, pero nagdaan muna kami kila Florante. Konting kwentuhan tapos ay nagtuloy na kami. Pagdating doon ay inayos ko lang ang compuer, tapos ay tumawag ako kila emer, tapos ay nagpunta na kami roon, Iniwan ko muna si Ricardo doon dahil sabi ko ay kakain muna ako, mag-aalas onse na nang ako ay bumalik. Nagyaya si Ricardong mag-inuman, nagkwentuhan. Nangangantyaw pa si Ricardo na kami ni Emer ang magpainom, pero siya rin ang naglabas ng isang daan, sabi ay utang daw namin sa kanya ni Emer, tig singkwenta rqaw kami. Sabi namin ay babayaran namin bukas. Maya maya ay bumili na kami, Sa MK na rin kami bumili, dahil sarado na sa amin, kumuha na lang kami ng bote, bumili kami ng limang redhorse, Pagkabili ay nag-inuman na kami nila Emer, tigitgisa kami, tapos yung dalawa ay hinati na namin sa tatlo. Mag-aala 3 na kami ng umuwi ni Ricardo.

5. Maaga akong nagising, dahil kinuha na ang computer ko. Pagkakauha ay umuwi ako sa bahay at nag-bihis, lumuwas ako. Para bumili ng bagong computer nagdaan muna ako sa school para kunin ang transcript of record ko. Tapos ay nagtuloy na ako sa gilmore, sa pc hub na ako nakabili ng computer tapos ay umuwi na ako, nag-daan muna ako sa times square at nakita ko doon si Avon, tapos ay umuwi na ako. Mag-aas syete na ako ng dumating sa bahay, binuo ko na ang computer. Ok naman. Mag-aas dyes na ng duamting si |Ricardo. Nagyaya na ito kila emer, pero masama ang pakiramdam ko, kayat medyo nagpahinga ako. Naglaro -laro muna ito matapos kong iinstall ung ibang mga laro. Nagtxt na si Emer, sabi ay pumunta na raaw kami roon. Maya maya ay nagyaya na si Ricardong pumunta kila Emer, e walang gasolina ang tricycle kayat naglakad kaming dalawa, pero ako ay naka bisekleta, Medyo masama ang pakiramdam ko kayat nahiga na ako sa sofa. Si Ricardo naman ay nanuod ng pag-iinternet ni Emer, Nang sumakit ang tiyan ko ay nakitae ako kila Emer. Tapos ay medyo nahiga ako. Mag-aalas dos medya na ng umuwi kami Ricardo.

6. Maaga ulit akong nagising, sinamahan ko ang tatay sa Maynila, Mag-aas sinko na ng kami ay dumating. Medyo masakit na ang umo kayat pagkakain ko ay nagpunta na ako sa base at medyo umidlip, d ko pa maimulat ang mata ko. Nang lumabas ako pumunta sa Warzone, pagbalik ko ay kasunod ko na rin si Ricardo. Nahiga na ako, sabi ko ay masakit ang ulo ko, at d ko maimulat ang mata ko, naglaro na lang ito sa computer. Nagyaya itong magburn ng Cd, pero sabi ko ay hindi ko kaya. Kayat naglaro na lang siya. Mag-aalauna medya na ng ito ay umalis.

7. Nagpasama ulit si TJ na magsanla ng cellphone, 3310 naman, galing na daw siya kila emer pero, ayaw daw itong kunin ng nanay ni Emer. Tinawagan ko si Emer.

8. Medyo masakit ang ulo ko at mata kayat ako ay nakatulog, Nagtxt c Emer tinatanong kung kung gus2 ko raw mag-inom, sabi ko ay itxt si Noel, Hindi na ito nag reply. Kinagabihan habang nanunuod ako ng Star Award ay biglang may tumawag sakin, pinabubuksan ang pinto, mag-aalas dose medya na iyon , Si Noel, tinanong ko kung saan galing sabi ay sa kanila, d raw siya makaalis sa kanila, Nagpapabili ito ng pag-kain ng tinawag ako ni Abby, pumunta ako sa kanila, kayat tumawag na rin ako kila Emer, Sabi ko ay naririto si Noel, Sabi ay pumunta kami doon, maya maya ay niyaya ko na si Noel na pumunta kila Emer. Pagdating namin doon ay nagcocomputer pa si Emer, Nagyaya si Noel sa Crismar dahil may mga tao pa raw doon, Nang papunta na kami doon ay pauwi na ang mga tao, nagtuloy nalang kami sa mga tito ni Emer doon at nanuod ng VCD na K-PAAAAAX… Pagkatapos panuurin ay umuwi na rin kami.ni Noel. Kasabay si Emer. Pagdating sa base ay nanuod na lang ng VHS si Noel, at ako naman ay natulog na, Mag55:30 na ng gsingin ako ni Noel at uuwi na raw siya.

9. Dumating si Jhoser nang hapon, nagtatanong tungkol sa computer niya, nagkwentuhan lang kami sandali at sabi ko ay baka fan lang iyon, kayat nagiistackup, maya maya ay nagyaya ako kila Emer, wala si Emer nasa Crismar kayat pinuntahan namin siya, natutulog pa ito sabi ay may sinat pa siya. Nagkwentuhan kami. Maya maya ay tumambay muna kami sa resort, at nagyaya na si Jhoser papauwi. Sumabay na rin si Emer sa amin papauwi. Inihatid lang ako ni Jhoser sa amin sa may putol kung saan iniwan ko ang tricycle ko kanina.

10.Mon…. Nagsimula nang irenovate ang bahay.. nag bakbak ng pader, para lagyan ng pinto, tapos sinarhan na ung dating pinto at nilagyang ng harang ung dating pasilyo.. nagbakbak din ng pader sa tindahan para gawing pinto sa gilid..

11.Tues… Binakbak ko ang lalagyan ng bagong pinto sa gilid ng dati kong kwarto, medyo nagtagal si Roland sa pinto ng tindahan…. Matapos kong mabakbak, kinahapunan ay nilagay na ang hamba ng pinto, pagkatapos ay sinumulan na ang banyo sa tindahan..

12.Wed… Nagpatuloy sa pag-gagawa ng kubeta… hanggang sa magflooring na, Pinabakbak na rin ng tuluyan ang likod ng kwarto, nagpatira lang ng konti para sa gagawin daw na arko…

13.Thurs… Nag finish na wall, dumating na rin ang mga kahoy para gawing kwarto.

14.Fri. Sinimulan na ang kwarto. Gumawa ng Hamba tapos kinahapunan at nagwalling na Nagtext si Emer, nagyayaya ng inuman, nagtatanong kung sino ang naririto. Nasa Computeran ako ng dumating sila Daisy, Abby, Len2, at Jo-anne… Nakaaway pa ang mayari ng PnR, Tumawag pa ako kila Emer, sabi ko ay pupunta daw sila Sa Crismar dahil naroroon si Emer. Maya maya ay nagpunta na ako sa Crismar. Nanunuod pa si Emer sa mga tito niya. Mayaya maya ay nagpunta na kami sa Base. Mag-aalas dose na ng magpahatid si Emer sa kanila.

15.Sat. Pinagpatuloy ang paglalagay ng wall. Half na lang kaya madaling natapos, Nagflooring Di ito natuyo kayat d pa natapos na ifinish medyo sinimulan na muna ung arko. Madaling araw ng tumawag si TJ, nagtype ito. Hanggang alas sinko.

16.Sun. Walang nagtrabaho. Naglinis na lang kami.

17.Mon, Nag-finish na ng arko. Pina finish ko na rin ang sahig.

18.Nakita ko sila Jo-anne, Daisy at Abby, sa PNR naghahanap ng maiinternatan, pero walang makita… Nangumbida pa sila Daisy dahil fiesta sa kanila, bukas.

19.Fiesta Sa Masapang, nagtxt si Ricardo… Papunta daw siya sa base. Sabi ko ay fiesta kila Russel, Tumawag ako kila Emer, sabi ko ay dadating si Ricardo at fiesta sa Masapang, sabi ay tumawag daw ako bago mag 6. Sabi ko ay tawagan na rin si Emgee. Mag-aalas 6 nang dumating si Emgee. Tumawag na rin ako kila Emer, sabi ay malilgo lang ito. Sabi ko ay pag katapos ng Bituin bago kami umalis… Matatapos na ang game ka na ba, niyaya ko si Emgee sa amin, at pupunta kila Emer. Pagdating sa amin ay tinext ko na si Noel. Sabi pa ay hintayin ko mdaw siya sa base… mga 9, pero sabi ko ay magpunta na kila Russel dahil paalis na kami ni Emgge, Ayaw pang payagan si Emer kayat di ito nakasama, pagkatapos ng bituin ay umalis na kami ni Emgge,, Pagdating namin kila Russel ay tulog na ito, at wala nang tao sa kanila, Pinagluto na lang kami ng Fried Chicken ng nanay ni Russel, Nagtxt pa si Noel, Kung nasaan na raw kami, Nagtxt din si Ricardo, Pinapunta kami, kung saan, pero walang lugar. Hinihintay namin ung dalawa pero mag-aalas dyes na ay d p nadating, malabo pa ang mga txt ni Noel, Si Ricardo naman ay nagpapahintay, pero nang sumunod niyang txt ay nasa base na pala siya.. Kayat umalis na kami, Si Emgee ay umuwi na sa kanila… Pagdating sa base ay tinguaan pa ako ni Ricardo. Babalik pa sana kami kila Daisy pero hinintay pa namin si Kupal Noel.. Mag-12:30 na ito ng dumating dito… Di na kami bumalik kila Daisy dahil ayaw ni Noel, Nanuod na lang kami ng Gyera sa Iraq. Nakatulog na rin si Ricardo.Mag- 6-6:30 na ang umuwi ang dalawa.

20.Nagtxt si Emer, Nagpapahintay. Dumating ito, nagpasama sa plaza delight, Bumili ng Pancit, pagkatapos ay sa palenke, bumili ng babanaque, tapos ay dinala sa kanila,Pagkadala ay sumama na sa akin, at naglibre sa wekwekan. Nakita pa namin si Andress. Si Jeff daw ay nasa Bulakan. Sa Base na namin kinain ang mga biniling Pagkain. Mag-seseven na ng umuwi si Emer.

21.Fri

22.Sat Nagfloorwax ng sahig

23.Sun Nanuod ng Titanic, habang nagpapapula ng flooring sa kusina

24.Mon Medyo palpak ang pagkakaflooring kayat, nilinis na lang, binuhusan ng tubig para matanggal ang mga alikabok na pula….

25.Tue Papunta na akong base ng nakita ko si Emer na papunta rin doon, Kumain kami sa Wekwekan tapos ay nagpahatid na ito sa kanila.

26.Pumunta si Polet at Mylene,

27.Hinakot na ang mga panambak ng munisipyo

28.Friday, Dumating si Emer at TJ, ako ay may ginagawa, nagkakabit ng tolda, para sa naupa… May isinasanlang cellphone si TJ. 6210… Naglaro muna sila ng Computer sa tindahan… Nang mag-aalas sinko na ay nagpahatid sila sa Plaza, manunod daw ng basketball.. Iniwan ko sila sa plaza at umuwi muna ako… Nagsaing muna ako… pagkatapos ay hinakot ko na ang mga yero para ikabit sa tindahan, papaalis na ako ng makita ko sila Emer at TJ, na nakasakay sa tricycle pero di na ako nakaintay dahil sa dalahin ko… Maya maya ay sumunod na rin sila Sa base.. Naglaro na lang muna sila Ng computer… Mag-aalas syete na nang ihatid ko sila kila Emer kumain muna kami sa wekwekan nila TJ at Emer, naglibre si Emr, dahil hihintayin ang mommy ni Emerson… Ako naman ay kumain sa amin, at nanuod ng telenovela ng kaunti at nagpunta na ako ng base. Binuksan ko ang cell ko, may 2 message, sila Len2 sabi ay pupunta daw sila Dito, si Noel naman ay tinatanong kung anong no. ni Emgee. Maya maya ay dumating sim Emer at TJ. Naglaro ulit ng computer at ng maubusan ng piso ay nagyaya kila TJ, pero sasbi ko ay dalhin na lang ang tricycle. Medyo natagalan kayat sinundan ko, napadaan pa ako kila Len2, Pagkaalis ko ay nakasalubong ko si Emer at TJ, umuwi na si TJ at inihatid ko na rin si Emer.

29.Maaga akong ginising ni TJ, nagpatawag kay emer dahil binawi na raw ng nanay niya ang cell phone na isinanla niya. Nasa resort na si Emer, kayat inihatid ko roon si TJ, Sinabi ni Emer na bumalik kami doon dahil magswiswiming, Tinawagan namin sila Russel, Tapos pumunta kami kila Madeth, Marami pa kaming tinawagan, Inihatid ko si TJ sa Resort, tapos ay umuwi muna ako. Nagdaan ako kila Madeth sabi ay mga alas kwatro na raw ako pumunta doon, Nakatulog ako sa amin, mag-aalas sais na akong gumising. Pumunta ako kila Madeth, Habang hinihintay ko si Madeth ay dumating si Shannon, Karl at Katrina, Sila Kristel at Marlou daw ay nasa resort na… Sumakay si Madeth sa Kotse, ako naman ay umuwi muna, Pagdating ko sa Resort ng mga alas otso ay wala sila, Kumain daw… Tumambay muna ako ng kaunti… Tapos ay sabi ko ay uuwi muna ako… Nang bumalik ako ay umalis na ulit sila.. Naguwian na , nagyaya na raw si Karl sabi ni Emer, Ako naman ay tumambay ulit doon, inutusan pa akong bumili ng Pizza, Pabalik na ako ng Makita ko sila Len2, Daisy, Abby at Melissa, Di na sila Nagpunta sa Resort… Alas dose na nang kami ay umuwi ni Emer.

30.Pumunta ako kila Madeth,

31.