1. Tinext ako ni Emer, sabi ay nasa may gotohan daw siya sa plaza kayat Sinundo ko siya. Pinuntahan naming sila Harold. Kumain muna kami ng Spagetti tapos ay nagpunta kami sa base, Napagpasyahan naming mag punta sa Cheska.. puno kayat nagpunta na lang kami sa Alarma, pero bago iyon ay nagdaan muna kami kila emer. Naginuman kami at nagvideoke.. Mag-aalas dos na kami ng umuwi… Pagdating sa bahay ay bumili pa kami ng Isang Tequila, pero hindi ito naubos.. kalahati lang ang nainom nila… kasi ako naman ay lumabas. Pagbalik ko ay medyo 2log na si Emer.. Si Harold naman ay lasing na.
2. Tinext ako ni Emer sabi ay nasa Crismar daW SIYA.. NARIRITO NOON SI tj KAYAT ISINAMA KO SIYA… dinala naming don ung iniinom naming natirang tequila.. Nag videoke kami… pagkatapos ay bumili pa kami ng isa pang tequila… Si Tj naman ay nagpaiwan na sa kanila… kami na lang nila Orly, Emer at Harold ang naginuman,, si Harold naman ay nasuka na at nakatulog na.. Nagkwentuhan na lang kami nila Orly at Emer. Mag-aalas kwatro na ng kami ay umuwi…
3. Wala Si Emer… ni Hindi nagtetext kung nasaan siya… Nagtext sa akin si Orly na nasa base daw siya. Pagdating ko doon ay siya lang ang naroroon at wala si Harold.. Itinext niya si Harold at maya maya ay naririto na si Harold... Nasa P n R ako ng nag text si Leah sabi ay naroroon daw siya…kasama niya sina Abby, Len2, Melissa, Daisy Kayat agad akong pumunta doon at nagyayang mag-inuman… sinundo naming si Clark tapos ay bumili kami ng Tequila… . Medyo masaya rin ang inuman namin
4. Nakasalubong ko sila Daisy at Abby sinama ko sila sa base tapos nagpunta kami kila Jo-anne… Pagkasundo kay Jo-anne ay pumunta kami kila Crishell naroroon si Aimee. Nang magtext si Emer ay nasa crismar daw siya kayat nagyaya ako doon. Nakita daw ni Daisy sila Harold na nag-daan. Kayat sinundo muna naming ito… Pagdating sa Crismar ay iniwan muna naming sila dahil nagpagasolina kami ni Orly tapos ay bumili na kami ng Gin.. Nag-inuman kami.. Pag katap[os ay pumunta kami sa Base.. Nan magpahatid si Emer ay umuwi na rin si Orly. Si Harold naman ay nagpatuloy maglaro… nang magising ako ng mag-aala una ay naglalaro pa rin si Harold.. Nang makatulog si Harold ay umalis muna ako. Pag-balik ay mag-aalas sais na nagaisng na si Harold.
5. Nagpunta sa base si Orly d na nagtext si Emer kayat kami na lang tatlo doon. Maagang nagpahatid si Orly dahil \paluwas na daw bukas si Harold naman ay d pa rin umuwi
6. Nang magising ako ay natapos na ni Harold ang Final Fantasy Umuwi na siya. Mag-aals kwatro ng nasa P&R ako ay dumating si Orly at Harold… Paluwas na da sila.. Nagpunta muna sandali sa Base kasi dAw gus2ng makita ni Orly ang katapusan ng Final Fantasy..
7. Nagtext sa akin si Mitchelle, tinanong ako kung galit daw ako kay emer… Sabi ko ay hindi nagbibiro lang ako
8.
9. Tumawag ako kila Emer. Nakausap ko rin si MG sabi ay may sakit daw siya.
10.
11.. Dumating si Noel, Pagdating ko rito pagkagaling ko sa amin ay naririto na siya. Nanunuod ng Lord of the Rings. Nang dumating si Charo ay nakitext ako… tinext ko si Michelle dahil, alam kong kasabay sila ni Michelle na umuwi.. Nang magpahatid pa si Charo pauwi ay nagpakuha si Noel ng tape sa Pnr, Medyo natagalan pa ako kc nawalan pa kami ng gasolina. Pagbalik ko sa base ay wala pa rin si Emer… Maya maya ay nagtxt na ito na sunduin siya sa may kanto ng d-sharp pero nakasalubong ko na ito. Nagsaing ako.. tapos nagpabili ng ulam si Noel… gayun din si Emer… papalabas ako dahil may narinig akong dumating na tricycle. Nagulat pa ako dahil si Michelle ang dumating hinahanap ang cellphone niya kay Emer… Sabi ni Emer ay ihatid na lang si Michelle, kayat nagpagasolina ito sinama pa niya si Michelle , pagbalik nila ay iniwan ko muna sila dahil bumili ako ng ilaw pero d pumuwede kasi battery pala ang diperensiya. Kayat nagplashlight na lang kami. Sabi k okay Noel ay maya maya na lutuin ang noodles para di lumabsak pag-balik namin. Pagkahatid naming kay michelle, ay naabutan naman naming si Ricardo sa Base… Nagyaya ito ng inuman kayat bumili kami ng Colt 45, nag-ambagan kami.. Papabili na kami ng nakasalubong naming sina Daisy… Jo-anne.. at Abby… Nag-ambag na rin ang mga ito… Kayat isang case na rin ang nabili naming colt 45 ung 500. Pagkabalik naming ay nag-inuman na kami… Medyo nagkakasayahan pa kami… Nagpapaliwanagan tungkol kina Emer at Daisy… kayat medyo napagtulungan naming ni Ricardo si Abby… si Emer naman at si Daisy ay iniwan naming sa kwarto para makapagpaliwanag siya.. Kaminaman ay sa labas lang. Naging maayos naman ata ang pag-uusap nila Daisy at Emer. Nang lumabas si Emer ay tulog na daw si Daisy.. Natulog na rin si Ricardo kayat kami na lang ni Emer at Noel ang nagkwentuhan. Nang matulog si Emer ay pumasok na rin ako. Alas kwatro ng magpahatid si Emer.. 5:30 naman ng umuwi silang lahat..
12. Nagkita kami ni Emer sa P and R kasama niya ang kapatid niya at pinsan… tumambay muna kami sa Ailas… pagkatapos ay nagtuloy sa base… dumating si TJ… Nang magpahatid si Emer ay umuwi na rin si TJ… pagbalik ko sa base… maya maya lang ay dumating si Ricardo./.. Niyaya ko ito kila Emer… Bumili muna si Ricardo ng isaw bago pumunta kila Emer.. Nakita pa naming si Kring… Tapos nagpakuha pa ng kanin si Ricardo…sa amin,.Nanunuod si Emer ng dumating kami… Nang makapanuod ay binuksan na ni Emer ung kanyang computer at kinopya ko na ang mga ,iniscan naming pictures… maya maya ay nagyaya si Ricardong kumain sa plaza.
13.
14.
15.
16.
17. Nag text si Emer sabi ay uuwi daw siya ngayun kayat tumawag ako sa kanya sabi ay mga 9 daw ay naririto na siya. Mag-aalas dyes na ng dumating si Emer, may malaking bag pa itong dala, naglaro muna ito ng computer tapos ay nagyaya itong kumain sa labas… kumain siya sa gotohan ako naman ay bumili na lang ng pizza. Pagkakain ay bumalik kami sa base.. mag-aalas 4 na ng umuwi si Emer.
18. Maaga akong gnising ni TJ naglaro ito ng computer… Nang mag-aalas dose na ay nagpahatid na ito sa kanila, ako naman ay umuwi na sa amin.. Mag-aalas sais na ako ng bumalik sa base… naabutan ko doon si Noel… Nanunuod ng VCD nagpapakuha pa ito ng CD sa PnR Dumating sila Abby at Leah… Ako naman ay gnawa ko pa ang tricycle dahil ito ay nasira… Umalis na rin sila Abby at Leah… Bumili na rin ako ng ulam at nagsaing na rin ako… Nang matapos kong gawin ang tricycle ay pumunta na ako sa PnR tinawagan ko si Emer pero sabi nito ay wala ang Mommy niya at maya maya na siya sunduin sa kanila… sabi ko ay mag-pamis col na lang muna siya… Nang bumalik ako sa Base ay naluto na ni Noel ang langonisa kayat kumain na kami ng magpamis col si Emer kayat sinundo ko na siya… Dinala pa niya ung isang controller ng playstation… Mag-aalas dose medya ng biglang kumatok si TJ… Mag-aalas singko na ng umuwi si Emer dahil nakatulog pa ito. Kasabay ni Noel
19. Nagtext si Emgee sabi ay nagpunta daw siya ditto pero wala ako… Kinahapunan nakita ko si TJ na galling ditto, nagpasama ito kila Emer… Sabi ni Tj ay d na siya pumasok kila Emer dahil sa naka ban daw si Emer… kayat nagpahatid na rin ito na umuwi.
20. Nagtext si Emgee sabi ay papunta daw siya sa base… Sabi ko ay kung pupunta ay may amin na sa pantson siya bumaba… Mga alas kwatro daw siya pupunta.. Nang papunta na siya ay nagtxt ito… kayat inintay ko na siya sa labas… Nang dumating si Emgee ay pumunta na kami sa Base… Nanuod si Emgee ng Dragon Ball at nanghiram pa ng CD at memory card… Mag-aalas sais na ng ualis kami ni Emgge nagdaan muna kami sa P and R para I Record ang Final Fantasy VIII. Pagkarecord ay umalis na rin kami ni Emgee. Sa amin na siya sumakay.
21.
22.
23.
24.
25. Debut ni Jo-anne, tinext ako ni Emer na wag na daw akong tatawag sa kanya, at d na siya sasama sa bday ni Joanne, wag na rind aw akong magrereply, kiunagabihan, wala na akong balak pumunta, nagpa is col si Richmond, nagtext si abby na daanan ko daw sila Tj nandon daw si Mon, Nagpunta ako kila tj, wala roon si Richmond, nagpunta si Tj kila Emer.. d raw ito sasama, kayat ako na lang ang sumama kay tj, pagdating naming sa miramonte, nandon na sila Noel, kasama ang kaklase niya.
26.
27.
28.
29.
30.
31.