APRIL 2003

1. Nagtext si Angie, Nagtext din si Russel… Nagpapadekwat ng Stiker sa PNR, d na ko nagreply, si Emer ay nagtxt din.

2. Ginising ako ni Emer, mga 9:00 ng umaga, galing daw siyang lb, inihatid ang kapatid niya, naglaro siya ng generals, Pagkakain ng Pancit Kanton ay natulog ulit ako, Nang gumisi ng ako ng mga 12:00 ay iniwan ko muna siya. Pagbalik ko ay naroroon pa rin, mag aalas sinko na siya ng umuwi, sumabay na rin ako pauwi. Nang bumalik ako sa base ay dumaan muna ako kila Madeth, Sabi ko ay nagtxt si Mary Rose, Kayat dumaan kami sa kanila, naglalaba ito… Umalis din kami, Umuwi na rin ako.. Kinagabihan ay nagtxt sa akin si Lyka at Leah…

3. Dumating si Emer, papunta daw siya ng LB para sunduin ang kapatid niya. Isinasama pa ako, pero d ako nakasama, Naglaro na lang kami ng Mortal Kombat sa tindahan, pagkatapos… maya maya nang mag popor na ay umalis na si Emer, Uuwi muna daw siya para kumuha ng pamasahe. Pagkaalis ni Emer, maya maya ay dumaan ako kila Clark at tinanong kung manonood siya ng graduation, sabi ay maliligo pa siya. Kinagabihan, ay hinihintay ko si Emer, mag seseven na ng ito ay magtxt at papunta na raw siya sa base… kayat ako ay nagpunta na roon, mag 7:30 ng pumunta si Emer, itineyp ko na lang muna ang Bituin at Kay tagal kang hinintay… Pagdating namin sa Graduation ay nakasalubong namin si Howell, Nakain daw sila Jeff at MG kasma sila Angie sa Plaza Delight. Pumunta muna kami sa may stage, nakita namin sila Leah, kasama sila Edu. Medyo tumambay muna kami ng kaunti doon at pagkatapos ay pumunta na kami sa Plaza Delights.Naroon sila Mitch, Angie, B-Ann at Me-anne… Nakain naman sila Howell, MG, Jeff at Clark… Pagkakain ay iniwan na namin sila Angie, Nakasalubong pa namin si Katrina. Pumuwesto kami sa kabilang stage. Maya maya ay naroroon na rin sila Angie, Kasama si Aaron. Maya maya ay sabi ko ay tawagan namin si Richmond… Isinama ko pa si Howell pagtawag pero wala kaming nakitang phone… Nakita pa namin si Berna.. Pagbalik namin ay pumunta kami sa may mga kainan. Tapos ay tinawag na nila Angie si Emer, pauwi na raw sila… Si Mitch naman ay nagpaiwan na. Maya maya ay nakita namin si Madeth kasma ung boyfrend… Pinakilala ko pa kay Mitch ung BF ni Madz. Hiniram ko pa ang cell ni Howell. Tapos ay nagyaya si Emers at Mitch dahil bibili ng footlong si Emer… Nakita pa kami nila Katrina, Pagbalik namin ay hinanap ko si Howell dahil tapos na ang graduation, Hindi ko pa makita si Howell, maya maya ay lumapit ito, naroroon daw sila sa Kabila, Si Mitch naman ay nagpunta na sa mga nanay nito… Papunta na kami sa kabila ng makasalubong namin si Richmond at si Clark.. Si Emgee naman ay nakita na naming pauwi kasma ang nanay niya… Si jeff naman ay nawala na.. Nagtagal pa kaming apat.. malapit kila Madeth, Maya maya ay nagpasama si Emer kay Richmond na ihatid ang footlong sa kanila. Sinamahan naman nito. Lumapit kami nila Clark kila Leah. Maya maya ay bumalik kami kila Madeth, kasama si Janel, Tinanong pa namin si Madeth kung un ung pinsan ni Edu… Kayat medyo niyaya kami palayo ni Janel… Maya maya ay dumating na sila Mon at Emer.. Lumapit kami kila Leah, Nagyaya na sila Sa base… Pag-alis namin ay nauna na ako… Hinintay ko pa sila… Pagdating nila, ay kumain muna sila sa tapat.. pagkatapos ay medyo tumambay pa sa labas… maya maya ay nag-ambagan na para pambili ng maiinom. ANG aarte pa si Leah lang ang okey.. Nagbigay si Leah ng 20. Ganun din si Emer. Sa madaling salita, nakalikom ng 140.00, Kayat bumili kami ng 4 na malaking redhorse, isang gin at chitchiria….Pancit Canton Maya maya ay nagpasukan na sila… Tinimpla na ang Juice at pinaghalo na ang Red Horse at Gin. Nagsimula na ang inuman sa maliit na tagayan. Ayaw uminom ni Len2, si Abby naman ay Tig kakalahati…. Habang sila Clark, Daisy at Abby ay nagluluto ng pancit kanton.. at pagkakain ay lumapit na rin sa Amin, Si Emer naman ay panay ang Laro ng Generals…. Gumawa ng Baraha sila Abby at naglaro ng Tonghits, Medyo nagtagal din ang inuman dahil maliit ang tagayan. Pagkatapos ay nakatulog na si Leah, Sila Abby naman ay patuloy sa pag-totonghits… Mag-aalas 3 na ay d pa sila Tapos, kayat si Emer ay nagpahatid na sa Crismar. Iniwan ko nalang ito sa gitna ng palayan, sabi ko ay hati kami. Kasi madilim… Pagbalik ko ay patuloy pa rin sila sa paglalaro… 5:00 na nang sila ay umuwi…

4. Hapon, dumating si Emer at Shy, nag type… Naglaro kami ng Mortal Kombat ni Emer. Maya maya ay duamting si Russel…Nagkwentuhan, tapos mag-aalas sinko medya ay nagpunta kami sa WARZONE, para magpa print.. sila Emer at Russel naman ay naglaro ng Generals… Pagkatapos ay nagpunta kami sa Plaza Delight. Umuwi na sila Emer at SHY.

5.

6.

8. Maaga akong nagising (8:30) dahil sa may narinig akong tumatawag sa akin, si CeeJay, sinamahan daw niya ang kapatid niya na kumukuha ng entrance exam sa liceo, akala niya ay wala na ako dito dahil sa iba na ang nakatira sa unahan… Nagkwentuhan muna kami, ako naman ay nakahiga pa dahil inaantok pa, Pinakita pa niya ang schedule niya, bumaksak daw siya sa Diff Eq. At Eng. Mech. Maya maya ay nagyaya itong kumain sa Plaza Delight, inilibre pa ako. Dahil hindi pa naawas ang kapatid niya ay pumunta pa kami kila Emer, Maliligo pa ito kayat naghintay kami, tapos ay nagpahatid ito sa Crismar, punta na lang daw siya ng Hapon. Bumalik kami sa Liceo, Nagintay kami ni CJ sa may bench doon, Maya maya ay lumabas na ang kapatid ni CJ… Nagpaalam na si CJ, babalik na lang daw siya, kinahapunan, Bumalik na ako sa Base… Maya maya ay dumating na rin si CJ, Dala na niya ang Cellphone niya… Sabi ay matagal na daw itong walang load, nagpabili pa ito ng Pure Text Sa akin at nagpakuha ng Tape, Medyo nagpatagal pa ako, Pagbaalik ko ay di na ito naglalaro, Iniload na namin ang Cell Card. Ako naman ay naglaro ng Generals, Pagkatapos ko ay Siya naman, Itinext ko pa sila Howell, Russel at Ricardo, pero walang sumagot sa mga ito. Maya maya ay nakita ko na may txt sa akin si Emer, nagpapasundo ito sa Crismar… Agad akong pumunta doon, Sumaan muna ako kila Clark pero di ito sumama. Pagdating sa Crismar ay tulog si Emer, Sumama na rin ito. Pagdating namin sa Base ay naglaro ito ng Generals, Si CJ naman ay nanuod ng Tape, pero sira ang Try Seventeen kayat pinanuod na lang muna namin ang Kat and Yuri, Pagkatapos ay ung Pyton 2. Nakatulog ako at nang magising ako ay pinatay na ni CJ ang VHS, at nagyaya na itong maglaro sa Warzone ng Generals… Bago kami pumunta doon ay naglaro muna kami ng Mortal Kombat sa Tindahan, Pagdating sa Warzone ay naginternet muna ako.. Sila Emer ay naglaro ng Quake 3… Maya maya ay Sumali na rin akong maglaro ng Quake 3. Mga isang oras din silang naglaro ng Quake….Nagyaya na si CJ, Papunta na sana kami sa Resort pero sabi ni Emer, ay lalaro muna kami ng MK3, Si Cj ay d na sumama, sumakay ns ito. Kami na lang ni Emer ang naglaro. Pagkatapos ay nagpahatid na si Emer sa Resort. Kinagabihan ay si Clark naman ang nagpunta dito, sabi ay bukas na daw siya luluwas at mag-eenroll

9. Hapon, nanunuod ako ng TV ng dumating si Emer, Naglaro lang ito saglit, habang ako ay nanunuod, Sabi niya ay susunduin daw niya si Michelle, Maya maya ay nagpahatid na ito sa Resort, ako naman ay umuwi muna, Pagbalik ko ay Jnapakwento pa ako, sa kabila, Paglabas ko, medyo madilim na ay nakasalubong ko si Emer at Michelle, Bibili, Sabi ay naroroon daw si Ricardo, Pagpasok ko sa bahay ay naroroon si Ricardo, naglalaro, may kasama. Nagpapahiram pa ng Lente si Emer, para ihatid daw si Michelle pero walang nahiram kayat siya na raw ang maghahatid… Hindi pa muna umuwi sila, Michelle, Mag-aalas 9 na rin ng umuwi sila, sumama na sila Ricardo pag-hahatid. Nang bumalik ay si Emer na lang ang dumating, nagdaan muna daw sila Ricardo Sa kanila. At ilang sandali pa ay dumating na ito, nagyaya na ito sa Resort…. Naglaro muna kami ng Mortal Kombat ni Emer bago umalis, Dumaan muna kami sa amin, para kumuha ng Kanin.. Pagdating kila Emer ay may Andoks, kayat yun na lang ang inulam namin. Maya maya ay nagserve muna si Emer sa mga bisita doon, At pagkatapos ay sumama kami sa inihatid, at bumili na rin kami ng maiinom…. Bumili kami ng Ginebra Blue…Pagkabalik ay naliligo na sila Ricardo, maya maya ay naginuman na kami…. Nang makakalahati na ay umalis na ako, Hindi na muna ako bumalik, sila naman ay nagkwekwentuhan… Nang matapos ang inuman nila ay napadaan si Emer sa inuupuan ko… niyaya ako na doon na matulog sa may kwarto… Pero umuwi na lang ako…

10. Magkakabit ako ng Cable ng Dumating si Emer, inabutan ko na siyang nakaupo sa harapan… Habang nagkakabit ako ay naglalaro naman si Emer. Mag- 5 na ang umalis si Emer

11. Maaga akong nagising, Maaga rin namang dumating si CJ, sabi ay di pumasok ang Teacher niya… kayat pumunta siya dito.. Naglaro siya ng Generals habang nanunuod ako ng shake RATTle and Roll, at pagkatapos ay niyaya ko siya kila Emer, Dumaan muna kami kilaTJ, pero d ito sumama, Pagdating namin kila Emer, ay nakain ito, isinama namin siya, sabi namin ay magluluto, sabi ni Emer ay doon na lang, pero sumama na rin ito para maglaro ng MK, pagdating sa Base, ay naglaro ito, medyo natagalan pa, kayat nagluto na ako ng spagetti… Pagkaluto ay kinain na rin namin, si CJ naman ay nanunuod ng Cable, sik Emer ay naglaro na ng General, medyo naglaro ako ng MK, biglang dumating si Noel, dinedma ko na lang… Tinanong ako kung naroroon si Emer, Hindi na ako pumasok sa loob, nang nandoon si Noel, Maya maya ay lumabas sila at nagyayang maglaro ng Computer, Pumunta kami sa Warzone…Naglaro kami ng Counter Strike… Mga 1 oras din kami doon… Pagkatapos ay umuwi na sina Noel at CJ, si Emer naman ay nagpahatid na sa Kanila. Kinagabihan ay si Clark naman ang dumating… Galing Maynila, niloko ko pa na parang naghihide and seek sila, dahil d sila magkakatagpo tagpo. Pagkatapos naming manuod ay umuwi na siya.

12. Gabi, nanunuod ako ng Famas ng dumating si Noel, tinanong kung pupunta d2 si Emer, sabi ko ay nasa Resort ito…niyaya ako doon, sabi ko ay maya maya lang. Kumain muna ako, siya naman ay nanuod , maya maya ay niyaya ko na siya. Ti next na namin si Emer, Pagdting doon ay biniro pa ako ng tito ni Emer, nasa cr daw ito… Maya maya ay dumating na si Emer, Sabi ay naroroon daw si Jessicca, Hinanap pa namin. Maya maya ay nakita na anamin, ako naman ay medyo humiwalay kila Noel at tinaguan ko sila, nakita naman nila ako. Nagpabili na ito ng maiinom, Bumili kami ng Pinsan ni Emer, sa MK. Pagbalik namin ay nag-inuman na kami. Mag-aalas dos na ng kami ay umalis sa Crismar. Pagkahatid kay Emer ay nagtuloy na kami sa Base… Nanunod si Noel ako naman ay naabutan ko pa ang Famas, Si Kris pa ang nanalong Best Supprting Actress. Nang matapos ang Famas ay Nahiga na ako, Si Noel naman ay Naglaro ng Generals. Hanggang sa makatulog na ako. Ginising na lang ako ni Noel ng Pauwi na ito.

13. Sun

14. Mon - tanghali nakatulog ako, dumating si Richmond.

15. Tues-Pagggising ko ay may lagnat na ako kayat umuwi na ako. Sa amin na ako nagpahinga

16. Wed. - Umaga, may lagnat pa rin ako pero kinahapunan ay wala na, kayat lmabas na ako ng bahay. Nabasa ko ang txt ng pinsan ni Emer na si Joy na pmunta ako sa Crismar kayat ako ay lumakad ng makasalubong ko sila Daisy, Abby, at Leah, dumaan muna akmi kila Clark, isinama naming ito pero nag txt si Emer na papunta na sila sa amin, kayat bumalik kami sa base, naghintay kami ng matagal pero d dumating kayat nag txt na ako, sabi ni Emer ay galling daw sila doon. Kayat nagpunta na akmi Roon. Medyo nagtagal pa kami roon paguwi ay umuwi na rin si Emer, ako naman ay nagtuloy na sa base nanuod ng Ka tagal kang hinintay ng dumating si Noel, Tinanong pa kung nasan si Emer, Nagpakuha ng mga CDS, pero hinintay ko munang tapusin ang telenovela, pagkatapos ay umalis na ako, medyo nagtgal pa ako sa PNR, tinawagan ko pa si Emer, sabi ay magpunta na lang kami roon, kumuha pa ako ng pagkain sa bahay. Pagkauwi ko ay kumain na rin ako, si Noel ay kumain rin, pinaltan ko pa ng POP ung binili niyang Noodles. Pagkakain ay naglaro na ulit si Noel ng Generals, ako naman ay nanunuod ng Pythons 2, Pagkatapso ay ung Superstar, maganda ang palabas kayat nanunuod din si Noel habang naglalaro. Nang matapos si Noel ng paglalaro ay nagyaya itong kumain sa plaza, pero di ako sumama, kayat siya na lang mag-isa… Nang pagbalik niya ay naglalaro na ako ng generalas kayat nanuod na lang siya ng VHS, ung The Core. Pagkatapos ng The Core ay natulog na ako, si Noel naman ay Naglaro ng Counter Strike. Umaga na ng akoy gisingin ni Noel at umuwi na ito.

17. Tanghali nagtxt si CJ, nagtatanong kung magkano ang entrance kila Emer, naghanap ako ng may Celphone pero wala akong matanungan kayat d ko nareplayan. Nang mag-aalas tres na pagkagaling ko sa bahay ay tumuloy ako sa crismar, akala ko ay naroroon si CJ, Pero wala si Emer lang ang nandoon, nabangit k okay Emer na nagtxt si CJ kayat tinext niya agad ito.. agad naman itong nagreply na nasa base ito. At sinabing wala ako, pinapupunta si Emer, kayat sinabi ni Emer na naroroon ako, nagpasundo ito. Pagdating ko Roon ay naroroon na rin si Jhoser. Bumibili ng Merienda, pumasok muna kami sa Bahay at nagkwentuhan, nagtxt din si Russel kung nasaan ako. Medyo natagalan pa kami. Pag-kakain ayumalis na kaming tatlo, dinaanan naming si Clark pero sabi ay susunod na lang siya, pinilit naming pero maliligo pa raw ito. Dumaan kami kila Madeth pero may patay sa kanila. Kayat nagtuloy na kami sa Crismar. Nagkwentuhan pa kami roon, tapos ay nagyaya na si Joy na pumunta sa Computeran, Pagdating doon ay naglaro na sila ng 0Counter, habang ako ay inaayos ang sirang computer ni Rosalie. Tumawag pa si Jhopet kila Mon, sabi ay pupunta ito. Nang matapos kong magawa at maiinstal ang scanner, ay umalis muna sila Jhoser, sumama sila Emer at CJ papunta sa base dahil titingnan daw si Richmond. Medyo natagalan pa sila kayat nang bumalik sila ay tapos na gnagawa ko, at lakad pa, kasama na si Clark, sira daw ang Clutch ng Tricle, kayat naglakad kami papunta sa base. C cj naman ay biglang tinopak at umuwi na. Pagdating sa base ay ginawa naming ang clutch, sila Emer naman ay naglaro, Pagkagawa ay umalis na rin kami, pero, d pa kami naklalayo ay nawalan naman ng gasoline kayat tinulak na lang muna naming un papunta sa computeran para hramin ang motor, Inintay panamin ang motor, at nang dumating ay lumarga na kami ni Emer. Pagbalik ay dinaanan naming si Clark pero wala ito. Kayat tumuloy na kamiNadaanan pa naming si Orly at niyaya namin. Sabi ay susunod na lang daw siya. Pagdating naming sa Crismar ay nagkantahan muna kami ng Videoke kasama si Shy at mayamaya pa ay naroroon na si Orly na may dalang gitara. Nagkantahan kami habang tumutugtog si Emer. Nang dumating si 0Richmond ay nagyaya si Jhoser na sunduin si Russel, at ako naman ay umuwi para kumain, naiwan si Orly at Emer, Ti next ko pa si Noel, pero nagpapasundo kayat di na ako nagreply. Pagbalik ko ay nakasalubong ko sila Mon at Emer, bibili na raw ng maiinom. D naman daw nakasama si Russel. Medyo natagalan din sila Richmond, pero d naming kami nainip dahil maraming tao, at mga galling manila pa na masesexy,at ng sila ay bumalik ay may dala ng 8 Red Horse, Niloko pa naming sila na may nakita kaming walang Bra.. Hianmap naman ito ni 0Richmond, Hinihintay pa ni emr na matulog ang lola niya bago maginuman, pero d umaalis kayat kami ay nagsimula na, dumating pa ang pinsan ni Emer, at nagyayang kumuha ng babae, Umalis ang dalawa ni Emer, at pagbalik ay may kasamang dalawang babae. Lumipat pa kami sa madilim na lugar. Dahil nakasalubong pa nila Emer ung Lola niya. Medyo nagging magulo pa kami, Pero si Emer ay hindi makakibo, Si Jhoser naman ay panay ang Papogi, Tahimik si Richmond. Hanggang sa medyo nanyanyansing na si Jhoser. Si Orly naman ay panay ang kantyaw. Pero ung mga babae ay gusting makautang ng 500 peso, pero walang maglabas ng pera, hanggang sa sumisimple na rin si Emer. Maya maya ay may dumating na lalake, sinusundo na an gang mga babae, kayat umalis na ang mga iyon. Pero bago umalis ay bumalik ulit at nagbaka sakaling makautang ng pera, sinabi pa ni Emer na may 100 siya pero butit di naman naibigay. Pagalis ay pinauwi na rin kami ng Lola ni Emer. Pero si Jhoser ay natakot dahil,0 baka daw inaabangan kami dahil hindi nakadelihensya ng pero ung mga babae sa amin. Kayat medyo namumutla at di makaalis. Kayat doon na lang kami dumaan sa may don Manuel. Nang makaalis sila ay inihatid ko na si Orly.

18. Friday… Tanghali na ng ako ay magising, Ng txt si Emer na pumunta daw ako sa Crismar para isoli ang mga bote pero hindi agad ako nakapunta, Hindi na rin ako nakasama sa prusisyon, nanuod na lang ako, hindi siya nagprusisyon kayat di ko siya nakita doon, Pagkatapos ng Prusisyon ay nagpunta ako Warzone, hiniram ko ang motor, sabi ko ay bibili ng GAS, Pumunta muna ako sa Crismar, sumama si Emer para magsoli ng Bote pero di tinangap sa MK, nakita kami ni TJ at sumama ito, bumili muna kami ng gas, nagpahatid na si TJ, iniwan ako ni \Emer sa Caltex, Nagtxt ang nanay ni Emer na pauwiin na raw si Emer,. Pagbalik ni Emer ay inihatid muna naming ang mga bote sa base saka ko inihatid si Emer.

19. Saturday, Umaga may nagtxt punta daw ako sa Crismar, daanan ko raw si Clark, Nang dumaan ako kila Clark ay paalis daw sila, kayat ako na lang ang nagpunta, si Florante lang pala ang naroroon, nagswiswiming. An daming tao, kayat busy rin si Emer, Maya maya ay nakatulog kami ni Emer sa labas sa may cottage. At pag-gising ko ay umuwi na rin ako.

20. Nagtxt si CJ, sabi ay pumunta na ako sa Crismar, maaga pa, kayat natulog pa ako. Tanghali na ng ako ay magpunta. Niyaya pa ako ni CJ na kumain ng spaghetti, pero wala na pala, Tapos na raw maligo si CJ, ung mga kasama na lang niya. Maya maya ay nagyaya itong maglaro ng Generals kayat nagpunta kami sa Warzone. Naglalaro na sila ng dumating doon si Noel. Pinabayaan ko lang at nang mainip ako ay pumunta muna ako sa base at pabalik na ako ng makasalubong ko si Emgee. Dumaan muna kami kila Clark pero tulog ito. Pagdating naming sa Warzone ay tapos nang maglaro sila kayat umalis na rin kami at nagbalik sa base. Naglaro pa si Emer ng MK3 si Noel naman ay ng Computer, habangkami ay naunuod ng Cable. Mga gagabi na ng matapos maglaro si Emer ay nagyaya na ito sa Crismar. Dinaanan naming si Clark at sumama naman ito. Medyo pinilit pa rin namin. Pagdating naming sa Crismar ay nagkwentuhan kami sa may Cottage at ng maBWISIT ako ay noel ay umalis din ako at umuwi sa amin apara kumain. Tapos ay nagtuloy ako sa base. Pabalik na sana ako sa Crismar ng dumating sila Emer, at nagtanong kung bakit ako umalis. D naman ako umimik, sandali lang kami sa base, bumili lang kami ng maiinom, 6 na 500ml na Red Horse kila Curiring. At maya maya ay nagbalik kami sa Crismar. Pumuwesto kami sa isang Cottage at nagsimula nang mag-inuman, umalis pa si Emer para samahan ang pinsan niya. Pagbalik niya ay nakakadalawang bote na kami kayat 3 tagay ang ginawad sa kanya. Nang maubos ay maaga pa kayat bumili pa kami, sumama na si Clark dahil uuwi pa ito at may pasok pa bukas, naiwan si Emgee at Noel. Dumaan kami sa MK pero wala ritong 500ml na Red Horse kayat sabi ko ay kila Aling Cora na lang. Dinaanan naming si Orly sa kanila. At agad naman itong sumama may dala pang gitara. Pagdating sa base ay sarado na kila Curiring kayat naghapnap pa ako ng bote ng Red Horse. Na maliit dahil mahal ang deposito sa MK. At nakakuha ako ng 4 at 2 colt, humiram pa kami ng bote kila GJ. Bago bumalik ng Crismar ay inihatid naming si Clark. Dumaan sa MK at bumili Nagpapalit din ng mga coins para sa videoke.. Pagdating sa Crismar ay lumipat kami ng pwesto sa may Videoke at nagkantahan kami habang nagiinuman. Medyo lasing na sila Emgee. Si noel naman ay tumatanggi nang uminom. Nang maubos ang iniinom naming ay mag-aalas dos na kayat umuwi na kami. Inihatid naming si ORly at si Emgee naman ay nagpaiwan sa sakayan papuntang Sta. Cruz. Si Noel naman ay nagpunta pa sa base.

21. Mon

22. Tues

23. Wed

24. Thurs Dumaan sila Abby, TJ, Leah, Daisy, isinama ako kila Jo-anne, dahil patay daw ang Lolo nito. Sumama naman ako, nang magpatid si TJ ay hindi na rin ako nakabalik dahil nawalan ng Gas ang Motor ko.

25. Fri

26. Sat, Pumunta si Emer sa base, nagtatanong kung sino ang pupunta, inihatid ko siya sa Crismar, nagtxt nalang siya kay noel na bukas na raw pumunta dahil maglilinis siya ng pool kayat din a ito pumunta, ako naman ay umuwi, Pagkauwi ko ay dumating sila Leah, maglalamay daw kila Jo-anne kasama nila si Daisy, Abby, Len2, Melissa, at Ampie, summating din si Jo-anne., kayat sumama ako, dinaanan pa naming si Clark Pagdating naming kila Joanne, ay pumunta kami sa lumang bahay nila Jo-anne, wala raw tao doon, Maya maya ay nagpasundo naman si Emer, Pagdating naming sa Base ay sira nap ala ang clutch kaya ginawa pa naming ni Clark. Pagkagawa ay sinundo na naming si Emer, pagdating kila Jo-anne ay nagpabili na ng maiinom, Sumama sa kin si Leah at Jo-anne, pagbalik ay kasama na naming si TJ, pero hindi rin nagtagal si TJ, Maya maya ay nagpahatid na rin si Emer, Umuwi na rin ako.

27. Sun, Nagtxt si Emer, sabi ay nasa Crismar si Orly pero hindi ako nagpunta, pinabayaan ko na lang, kinagabihan ay biglang dumating si Noel, nabasa ko sa txt na pinapunta daw siya ni Emer, niloko ko sa txt si Emer, kunwari ako si Noel, tapos ay nagpunta ako ng PNR para kumuha ng tape, tumawag ako kay emer, pinakausap ko pa si Jek, hindi pa nito nakilala, pagbalik sa base ay niyaya ko si Noel sa Crismar, tinapos pa muna ni Noel ang nilalaro bago pumunta doon, dumaan muna kami at nagpagasolina, pagdatying naming sa crismar ay nagtonghits sandali kami, may pupuntahan sila Emer, sa bar, isinasama kami ni Noel pero di kami nakasama kaya't bumalik na kami sa base, naglaro si Noel at nang magutom ay nagpunta kami ng plaza at kumain, pagbalik ay natulog na rin ako.

28. Mon Nagpunta ng hapon si Richmond, kasama raw niya si TJ, dinala ang motor, kayat nakipagkwentuhan ito sa akin, kinagabihan ay umalis din ito.

29. Tues. Kinagabihan habang nanunuod ako ng game ka nab a ay duamting si Ricardo kasama si Clark, kasama pa rin ang mga pinsan niya, sabi ay magtawag daw kami, papunta na kami n crismar, dumaan muna kami sa amin para magtawag ,pero mga busy kayat nagtuloy na kami sa crismar, nakipanuod muna ako ng bituin, tapos ay tinawagan si MG, agad naman itong pumayag na punta doon, sunduin na lang daw siya sa labasan pagdating. Maya maya ay nagtxt na si MG kayat lumabas na kami, inihatid na rin naming si Clark, dinaanan na rin naming si ORly pero nag gigym pa ito kayat sabi ay susunod na lang daw ito, ginawa pa naming ang clutch kaya medyo natagalan pa kami, bumalik kami sa Crismar,, kumakanta sa videoke si Emer, pagdating namin at mayaya ay nagpabili na ito ng maiinom, sumama si Emgee, dinaanan naming si Orly, at sumama na ito. Bumili kami sa MK. Tapos ay bumalik na kami sa Crismar at naginuman na… Mag-aala una medya na ng kami ay umuwi, sumama pa si Emer para kumain sa plaza, si Ricardo naman ay nauna na. Pagkakain ay inihatid si Emer, at pagkatapos ay inintay ko na munang makasakay si MG bago umalis.

30. Tumawag ako kila Emer, pumunta ako sa kanila pero paalis ito at manunuod sa labuin ng Miss Labuin. UMuwi ako sa amin, matapos akong manuod ng mga telenovela ay lumabas ako naroroon si Ricardo, Bumalik kami sa Crismar pero wala pa si Emer. Kayat nagpunta na lang kami kila Len, nagtatawag kami p[ero wala na rin.. kayat pumunta kami sa Base, sabi ko ay nasa labuin si Emer, kayat napagpasyahan naming sumunod doon, Pagdating doon ay hinanap pa naming si Emer nakita ko rin,. Nang matapos ang palabas ay nagtuloy na kami ng Crismar, nagtong hits kami ng mga tito ni Emer, at sila naman ay naginom. Nang matapos na silang naginom ay umuwi na kami, si Ricardo ay iniwan ko na sa may plaza delights.

31.